Sunday, January 15, 2012

It's not you, it's me!


Paano kung ang dating nilalanggam sa tamis na pagsasamahan ay para nang sampalok na pwede nang pakuluan para gawing paasim sa sinigang na niluluto ng nanay mo? Paano kung ang inakala mong pag-iibigang walang hanggan ay may hangganan pala at ngayon ay para ka nang ampalaya na dapat ibabad sa mainit na tubig para kahit paano ay mawala ang pait? Paano kung ayaw na niya sayo? Paano kung wala ng "kayo"?

"The break up was mutual." Oh, fudge! Is there such thing as a mutual break up? IMHO, wala. Sabi nga sa kanta, when a heart breaks, it doesn't break even. Well, sige, technically, meron. If you both consented to the separation, then it's mutual. But when you decided to break up, were the feelings mutual? As in, really mutual? Or kaya lang kayo nag-reach sa isang amicable agreement ay dahil may isa sa inyong ayaw matapakan ang pride niya at ayaw makitang masyado siyang nasasaktan kaya pumayag na rin kahit ayaw niya talagang makipaghiwalay at matapos ang usapan ay daig pa ang sanggol na nagngangalngal? Don't worry, normal lang yun. Marami nang gumawa niyan. At kabilang ako sa kanila. Siguro nga may mga unique instances din na nangyayari yun. Pero para sa akin kasi masyado namang coincidental na pareho kayong umaayaw na. They say that it's magic when two people fall in love. So, kung meron talagang mutual break up, is it magic din when two people fall out of love at the same time? WOW HA!!! Opinyon ko lang naman yan, kung nagagalit ka dahil iba ang pananaw mo, edi mag-blog ka din. Haha! Chos! :P

Meron bang tamang paraan kapag makikipaghiwalay ka sa karelasyon mo? Meron bang mga linya at salitang naimbento para maiwasan ang mga nagliliparang palad at maaanghang na salita sa tuwing makikipag-break ka? Meron bang paraan para maiwasan ang masasamang judgment ng ibang tao at ng boyfriend o girlfriend mo na ngayon ay ex mo na kung ikaw ang tumapos sa relasyon niyo? Here are some famous break up lines . . .

1. IT'S NOT YOU, IT'S ME. Siguro mas matanda pa sa lolo at lola ko ang mga salitang yan. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa tuwing makakarinig ako ng ganyang rason. Ikaw pala ang may problema eh, bakit ako ang kailangang masaktan? It's so ampeyr! Well, kung titingnan mo, may sense naman eh. Kaya lang nowadays, parang excuse na lang yan. Lalo na ng mga lalake. Kumbaga, it's synonymous to "Ayoko na, but don't worry. It's not your fault. Gusto ko lang talagang mag-enjoy pa sa buhay. At di na ako nag-eenjoy sayo." KDIE!

2. WE'RE BETTER OFF AS FRIENDS. Yeah, right. As if after the break up, magkaibigan pa din kayo. I mean, c'mon, let's keep it real! Mahirap maging friends after ng break up. It's not impossible, yes. But it would take time. Kung magiging magkaibigan kayo right after ninyong maghiwalay, anong pag-uusapan niyo? Yung mga oras na kayo? DUH!

3. I NEED SPACE. Acceptable naman 'to. At some point kasi sa isang relationship, mafi-feel mo na nasasakal ka. Mafi-feel mo na nawawala na yung identity mo dahil wala na yung "ako" at "ikaw", puro na lang "tayo". Mafi-feel mo na parang sa kanya na lang umiikot yung mundo mo at ganun din siya sayo. Magiging unacceptable lang naman ang linyang yan kung after ilang days, makikita mong ayaw niya ng space sa opposite sex maliban sayo.

4. YOU'RE TOO GOOD FOR ME. Siguro masyado kang maganda/gwapo para sa kanya. Masyado kang matalino, mabait, faithful, mayaman, atbp. Pero sana noong umpisa niya pa napansin. Hindi after ka niyang i-flaunt-flaunt sa pamilya, mga kaibigan niya at mga tao sa mundo, dun niya lang marerealize na hindi niya pala kayang i-handle ang isang tulad mo!

5. YOU DESERVE SOMEONE BETTER. Kung nakikipag-break siya dahil sa lack of self-confidence at iniisip niyang hindi ka niya kayang alagaan, malamang nga you deserve someone better. At kung nalaman mo namang excuse niya lang yon dahil he found someone whom he/she thinks is better than you, yes, you definitely deserve someone better. You don't deserve to be with someone who doesn't think you're the best.

6. YOU'RE BETTER OFF WITHOUT ME. Sino ka para sabihin yan? Sino ka para mag-desisyon kung anong makakabuti at hindi sa isang tao? Next time, be creative naman with your reasons. Or, should I say excuses?

7. I THINK WE'RE NOT DESTINED TO BE TOGETHER. So, si Madam Auring ang peg mo ngayon? That line is so lame! Being the hopeless romantic that I am, I do believe in destiny. But sometimes, people tend to make destiny an excuse for letting things happen instead of making things happen. Ganyan ang mga napapala ko sa mga GM na narereceive ko. NEWS FLASH: You guys may be destined to be with each other, pero for the relationship to work, you have to fight for it. Work on it.

8. I NEED TO FIND MYSELF. Nawawala ka ba? Good luck with that.

9. I'M IN LOVE WITH SOMEONE ELSE. BOOM! Straight to the point. Sa totoo lang, kung yan ang sasabihin niyang reason sayo, hindi mo alam kung matutuwa ka ba dahil naging honest siya sayo o maiinis dahil pinagpalit ka niya kahit di sinasadya.

10. IT'S NOT WORKING ANYMORE. Whoa! Wait! Timeout! Pag not working, break agad? Hindi ba pwedeng tumawag muna ng mekaniko at baka sakaling maayos pa? But seriously, valid lang yan kung kahit ilang beses kayong nag-try, wala pa ding improvement sa relationship niyo. Pero kung first time niyong magkaproblema at nakikipagbreak agad sayo ang partner mo at yan ang reason niya, mag-isip-isip ka na.

11. I'M STILL IN LOVE WITH MY EX. Mahirap kalaban ang ex. Kailangan magaling ka sa Algebra. Sus! Kung mahal mo pa ang ex mo, bakit umepal ka sa iba? Malungkot ka? Sana humanap ka na lang ng clown. No one deserves to be a second stringer! Kung sayo gawin yan, I'm sure di ka din matutuwa.

12. I DON'T HAVE FEELINGS FOR YOU ANYMORE. Ouch! Sa totoo lang, wala akong alam na sagot sa linyang yan. *speechless*

13. YOU'RE NOT GOOD ENOUGH FOR ME. Buhat-bangko much? HUWAW AH!!! Ikaw na, perfect ka!

14. I WANT TO MEET OTHER PEOPLE TO SEE WHAT IT'S LIKE TO BE WITH SOMEONE ELSE. I'M GIVING YOU THAT CHOICE TOO. Pinaganda mo pa! Sana sinabi mo na lang na gusto mo pang lumandi. Dinamay mo pa ang partner mo! KDOT!

15. I'M GAY. K.

Kung ikaw ang dumpee at talaga namang katanggap-tanggap ang rason ng pakikipag-break sayo ng partner mo, matatanggap mo ba yun? Sagot: HINDI. Oo, deep down alam mong tama siya. Pero hindi yun kayang i-process ng puso mo. Or better yet, ayaw yun i-process ng puso mo. Kung tutuusin, minsan naman talaga enough na ang iba sa mga reasons na yan kung hindi mo papansinin ang mga sarcastic comments ko, pero dahil nasaktan tayo, matigas ang ulo natin. Feeling natin kawawa tayo kaya naman humahanap din tayo ng sarili nating reasons para i-contradict ang mga rason nila. Kasi kahit gaano pa ka-valid yung reason ng dumper mo, wala pa ding magagawa yun para maibsan ang sakit na nararamdaman mo.

Kung babaliktarin naman ang sitwasyon, hindi naman porket ikaw ang dumper, masama ka na. Paano kung may point ka naman talaga? Paano kung wala na talagang spark? Paano kung ikaw lang ang nakakakita na there's something wrong with the relationship and you want to break up not just to save yourself but your partner na din? Just like Basha and Popoy sa One More Chance! So, you see, hindi naman lahat ng dumper ay jerks and bitches. Minsan lang talaga, dumadating yung point na wala na, na ubos na, na hindi na kaya pa kaya kailangang itigil na.

To end this post, let's go back to a dumpee's point of view . . . Would you rather choose a relationship that's built on lies than a relationship that's built on trust and honesty? Kahit sino naman siguro ayaw mapagsinungalingan. Wag na nating i-adapt sa totoong buhay ang kamartiran ni Sabrina sa Maria la del Barrio: "Magsinungaling ka naman. Kahit ngayon lang." Remember, it's always better to be hurt with the truth than be comforted with a lie. ☺

2 feedback:

JD de Leon said...

Good job here Shayne! Minsan talaga, kahit in good faith ang pakikipagbreak mo sa isang tao, hindi nila matanggap yon dahil masakit talaga. Dapat na lang intindihin. Pero minsan din, sobra naman yung pagcocondemn sa nang-iwan na parang OA na. Worse, yung mga taong wala namang kinalaman sa relationship yung nauuna pang mag-judge. =(

Louise Amber said...

5/5 STARS FOR THIS BABE! GALING! NICE ONE SA BREAK UP LINE #14. BOOM NA BOOM!