December na! Shiyet, ang bilis ng panahon! This is my favorite month of the year alongside March. Lahat ng reason para ma-excite, andyan na. At syempre, kung noong September ay uso na ang term na SMP, ngayon, BEH, USONG-USO! Kahit saan yata ako magpunta naririnig kong may nag-uusap tungkol sa pagiging SMP. So, ano nga ba ang ibig sabihin niyan? Originally, acronym siya sa Samahang Malalamig ang Pasko. Nai-blog ko na yun dati kaya di ko na uulitin ang eksplanasyon. Sigurado naman akong Pilipino ka dahil nababasa mo 'tong post na 'to kaya for sure, alam mo yun. Pero dahil sadyang malikhain at mapaglaro ang isipan ng mga Pinoy, habang tumatagal ay nagkakaroon pa ng ibang meaning ang SMP. Kaya ngayon, depende na sa isang tao kung ano ang kahulugan nito para sa kanya.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng SMP para sa akin?
1. Samahan ng Malalamig ang Pasko. Sabi ko nga noong September, three consecutive years na akong member ng SMP. Idagdag mo pa ngayong taon kaya apat na. Yan lang naman ay kung lovelife ang pag-uusapan. Lagi naman kasing masaya ang Christmas season ko dahil sa family and friends ko. Pero kung buhay pag-ibig na ang topic, nako! Isang malaking understatement ang 'malamig' para i-describe ang Pasko ko. Since September, I've been suffering from hypothermia. Hindi na ako kailangang magbakasyon sa ibang bansa para makaranas ng White Christmas dahil feeling ko, may personal snowstorm ako sa sobrang lamig. Ha ha! Pero bakit ko naman iisipin yun diba? Napaka-pathetic ko naman kung iisipin kong boyfriend lang ang makakapagpasaya sa akin ngayong Christmas. At isa pa, SMP na din ako. As in . . .
2. Sanay sa Malamig na Pasko. Like I said, this is the fourth year na wala akong boyfriend sa Pasko. For the past three years, naka-survive naman ako. Masayang-masaya naman ako. So, bakit ako magrereklamo? Hindi naman ako mag-isa. Excited pa nga ako dahil malapit ko nang makita ang mga relatives ko. At isa pa, ang Pasko ay birthday ni Jesus. Hindi naman ito Valentine's Day para problemahin ko ang pagiging single.
![]() |
| Love this Forever 21 sheer top. ♥ |
3. Sana May Pera. I know it's lame, pero isa sa mga tradisyon na dito sa Pilipinas yung pagki-Christmas shopping. I know Christmas is supposed to be about Jesus Christ, but for us Filipinos, it's also the time na hindi ka masyadong ija-judge ng mga tao pag nag-splurge ka on something. I hope you're getting my point. And one more thing, sa hirap naman kasi ng buhay ngayon, minsan mo na lang maiti-treat yung sarili mo or yung mga loved ones mo through pagbili ng gusto mo at pagreregalo. In my case, marami akong gustong bilhin. God, I still don't know what outfit to pull off this Christmas. Ang hirap naman kasing mag-plan kung wala ka pang cash on-hand. Eh ang dami ko pa namang gusto. Ha ha! I want lame and sheer tops, new jeans, a lace dress, wedge shoes, new wayfarers, a new beanie, etc. Most prolly, ang mabibili ko lang is either top and jeans or the dress and the wayfarers. And then I'll have to make do with what's in my closet. That's life. Kaya naman hindi pa din ako titigil sa pagtaya sa Lotto. Who knows, diba? ☺ Syempre, hindi mawawala sa Christmas wishlist ko ang books. Two months na nang i-launch yung Son of Neptune ni Rick Riordan pero hindi ko pa din nababasa. Yes, I have it in my phone and in my laptop, but I still want a hard copy. Kumpleto kasi ako ng Percy Jackson and Heroes of Olympus books kaya gusto kong mabili yung latest installment. And lastly, sana may pera kasi lagot ako sa mga inaanak ko. Hahahahahahahahaha! XD
4. Sobrang Maraming Pagkain. Given na 'to sa angkan namin dahil lagi naman kaming may reunion every Christmas. And sa New Year din, wagas lang ang pag-agos ng food. Kaya hindi ko na kailangan pang mag-expound. :)
![]() |
| You gotta click. It's a GIF. ☺ |
5. Sobrang Maganda tuwing Pasko. Actually, hindi lang naman pag Pasko eh. All seasons kaya! Hahahahahahahahahahahahaha! Joke lang naman. Baka sabihin niyo nagbubuhat ako ng sarili kong bangko. Hihintayin ko na lang kayo ang makapansin. Lol! Joke ulit. But seriously, sino ba naman ang taong ayaw paniwalaang maganda/gwapo siya. Kung wala ka na ngang lovelife tapos iisipin mo pang hindi ka kagandahan o kagwapuhan, kawawa ka naman. Love yerself. Hindi naman yung OA na pagmamahal na masyado ka nang bilib sa sarili mo. Yung tama lang. Think positive! It's supposed to be the month of good vibes, anyway. ♥ ♥ ♥
6. Sobrang Masaya sa Pasko. Makakasama ko ang pamilya ko and ang relatives ko, makaka-bond ko ang mga superduper pretty cousins ko and if possible, pati ang mga barkada ko. What's not to be happy about? Kung may mga bagay man na wala ako, iisipin ko ba yun? Bakit hindi na lang ako maging thankful sa mga bagay na meron ako? ☺
7. Sobrang Malaki ang Pag-asa. If you're a constant reader of my blog, you know na 2011 is so not my year. A lot of painful things happened. Dahil December na, I am very much ready to let go of all the negativity this year has brought me. Sure, I am still in Broken Land. Sure, I am still a bit sour-graping. Sure, I am still mad. I am not denying it. I am honoring it, instead. But I believe time heals everything. It may not erase the memories, but it will surely take the pain away. I messed up last December. I didn't take the risk. So what's happening now is partly my fault din. I spent a couple of months regretting what I did or didn't do last December. But it's useless so I accepted it na lang, baka naman kasi hindi lang talaga destined mangyari yung muntik mangyari last year. And now, I am moving forward 'cause I cannot do anything to make it right na. I will work extremely hard to make my 2012 awesome. I believe naman na I am going to meet the right one at the right moment. A hopeless romantic like me? God, I will eventually love again. 200% positive. Never akong nawawalan ng pag-asa sa love. And like what the clip below says, when that time comes, it's going to be magnificent. Maybe more. ☺ ♥
P.S. May we all have a bountiful and blessed December. May we never forget that this is Jesus' season. Let us honor Him with all of us. HAPPY HOLIDAYS! ♥



2 feedback:
I love the last line. Yes, that time, it's going to be magnificent. Baka nga magical pa eh. I admire you for keeping the faith kahit na sobra ka ng nasaktan. ♥
You just don't give up on love. No matter what you've been through. ☺
Post a Comment