I think it was mid-February when I first saw this video on Youtube. Gusto ko lang sigurong magpaka-cheesy noong mga panahong yun dahil love month and I stumbled upon this adorb wedding video of LJ Moreno and Jimmy Alapag. Jimmy being one of the best basketball players in the Philippines is one of the reasons why this video intrigued me. At after ko nga siyang mapanood, I was a goner. The video's real simple. Hindi siya tulad nung sa ibang mga artista. Pero nakaka-in love talaga siya para sa akin. What with Jimmy's voice breaking and all when he was delivering his vows. It's pretty amazing 'cause when we think of male athletes, we almost always have the description 'manly' in mind. Ah, the things love can do . . . ♥ Aside from Mr. and Mrs. Alapag's wedding vid, I also love Kristine Hermosa and Oyo Boy Sotto's. ☺
I love weddings. Sa lahat ng types ng celebration na napupuntahan ko, kasalan ang favorite ko. I dunno if it's just my Queso de Bola-esque personality pero ang sarap ng feeling na kasama ka sa mga taong nakakakita ng pag-exchange ng vows ng dalawang taong nagmamahalan. It's so nice to witness something so beautiful. Yung wedding coordinator, di magkanda-ugaga sa pag-aayos ng entourage and whatnot. Yung groom, pinagpapawisan nang bonggang-bongga sa pag-iisip kung dadating ba ang soon-to-be wife niyaat dahil tapos na ang maliligayang araw niya bilang isang binata. May mga cute na flower girls, ring, coin at bible bearers. Yung bliss na nagraradiate sa lahat ng nasa venue kapag in-announce na dumating na ang bride, for every single person there is dying to see the female protagonist of that momentous event. The bride walking down the aisle with her parents. The groom waiting for her. Both of them in tears na sana ay tears of joy. Wonderful, isn't it?
Isa pa sa mga favorite parts ko sa isang weddingbukod sa kainan ay yung pagkukwento ng love story ng couple of the hour. Wala lang. Kilig kaya. Mapapatawa at mapapa-'naks!', 'aww', 'yihee' ka. Trip ko din pakinggan yung mga messages ng family, relatives and friends ng bride and groom na talaga namang heart-warming. Kaya kahit na kadalasan, kailangan pang mag-dress up at masaktan ang paa ko sa suot kong heels, keri lang. Ang ayokong part lang naman sa kasalan ay yung garter and bouquet toss. Ayoko lang talaga. Ikaw, trip mo ba yun? Lagi kaming nagtatago sa restroom kapag yun na ang ginagawa. Hehe! Pero noong kinasal sila Kuya Gilbert at Ate Paula (see picture above), hindi kami nakatakas. 'Garter and bouquet toss with a twist' pa naman na in short ay EGG RELAY ang ginawa. At dahil madiskarte ang kapatid ko, sila ng partner niya ang nanalo. HAHAHAHA!
I love weddings. Sa lahat ng types ng celebration na napupuntahan ko, kasalan ang favorite ko. I dunno if it's just my Queso de Bola-esque personality pero ang sarap ng feeling na kasama ka sa mga taong nakakakita ng pag-exchange ng vows ng dalawang taong nagmamahalan. It's so nice to witness something so beautiful. Yung wedding coordinator, di magkanda-ugaga sa pag-aayos ng entourage and whatnot. Yung groom, pinagpapawisan nang bonggang-bongga sa pag-iisip kung dadating ba ang soon-to-be wife niya
![]() |
| December 12, 2009 -- Kuya Gilbert and Ate Paula on their wedding day. |
Isa pa sa mga favorite parts ko sa isang wedding
Wala pa akong planong magpakasal. Una at ang pinakaimportanteng dahilan, dahil wala naman akong boyfriend as of now. Pangalawa, bata pa ako. Pangatlo, marami pa akong gustong gawin at unang-una na diyan ang makatapos ng pag-aaral. But like any other girl, may dream wedding din ako. I think I was 12 years old nang magsimula akong mag-form ng fairy tale wedding ko. Oh, you know, simple things like gusto-ko-katulad-ng-gown-ni-Cinderella-ang-gown-ko plans. But of course, habang tumatagal, habang tumatanda ako, habang lumalawak ang knowledge ko about love, unti-unting napupunan yung blanks sa Dream Wedding form ko. Kumbaga, unti-unting nagiging vivid yung image nito sa utak ko. I am going to share some of the details dito. Ergo . . .
Age. I think I'd be ready at the age of 25. This one is tricky, tho. 'Cause you can't be certain na magiging ready ka pagdating ng oras na yun. But, what the hell, 15 years old palang ako, yan na ang nakatatak sa utak ko dahil insert-reason-here. So, kahit na medyo may amendments sa 'casting' ng dream wedding ko, sa 25 na talaga naka-set ang utak ko. Let's just wait and see. But I guess it's safe to say na 25 yung earliest possible age na mag-aasawa ako. :)
Church wedding, beach wedding, garden wedding, and whatnot. What do you prefer? I've always dreamed of a church wedding. I have always wanted to get married, exchange vows, pledge myself to the man I'm supposed to love and cherish forever in front of God. From the very start, gustong-gusto kong maglakad sa isang mahabang aisle, hand-in-hand with my parents, a beautiful song playing in the background, while the man of my dreams waits for me doon sa dulo. (Oh no, here comes the hopeless romantic me. Brace yourselves, my dear readers.) Shiyet, kinikilig ako. HAHAHAHA! :)))
Wedding songs. Because I'm a musically inclined person, malaking part ang songs sa dream wedding ko. I have always been a fan of Side A and their songs. If you know me very well, alam mo na Forevermore ang favorite OPM ko. God, it's seriously beautiful. Lalo na yung intro sa new version. Here, listen to it.
♫ I may have run out of songs to sing. I may have run out of words to say. But all that I want you to know is what I feel for you, I love you. As endless as forever, our love will stay together, you're all I need to be with forevermore. ♫ Not a lot of people ang nakakaalam na may ganyang version ang Forevermore. Ang alam kasi nila ay yung old/acoustic version. I wanted it to be the song to be sung as I walk down the aisle on my wedding day. I still do, actually. But since naging theme song na namin ni ex yun at talaga namang isinabuhay namin yan dati, hindi na pwede. Para namang sampal yun dun sa papakasalan ko diba? Unless . . . Basta hindi pwede. Nuff said!!! I also wanted My Destiny by Jim Brickman. And yeah, tama ka, hindi na din pwede. :| Kung tutuusin, hindi ko pa naman dapat pinag-iisipan yang mga bagay na yan, pero dahil sobrang cheesy kong tao at madalas lumilipad ang utak ko, naiisip ko na din agad kahit maaga pa. Ha ha! Marami na din akong naisip na songs na pwede. My Valentine, From This Moment, Runaway, All My Life, The Gift, Born for You, I Do, etc. But in the end, hindi man matupad yung original dream ko, may bet na bet naman akong kanta. Hindi ko lang alam kung appropriate yan habang naglalakad ang bride sa aisle. Ha ha! Here!
♫ 'Cause very soon I'm hoping that I can marry your daughter, make her my wife. I want her to be the only girl that I love for the rest of my life and give her the best of me till the day that I die, yeah. I'm gonna marry your princess and make her my queen. She'll be the most beautiful bride that I've ever seen. I can't wait to smile when she walks down the aisle on the arm of her father. On the day that I'll marry your daughter. ♫ Marry Your Daughter by Brian McKnight. It's the sweetest song ever!!! I think it's the most beautiful thing a man can do for the girl she loves. To ask her father for her hand in marriage and to promise him na he'll love and take care of her daughter until his last breath. Siyempre dapat sincere din. And reason din yung swak sa akin yung song. "See in this box is a ring for your oldest." Lalalalala. And btw, ayoko ng CDs. Gusto ko may wedding singer. :)
I won't spill all the details here na 'coz I'm dying. I'm dying sa sobrang kilig. HAHAHAHAHA! Kung makikita niyo ako habang ginagawa ko 'tong post na 'to, baka mabatukan niyo ako dahil talagang kinikilig ako. :)) Naeexcite ako nang walang dahilan. Anyhow, gusto ko din makasama lahat ng taong mahalaga sa akin on my wedding day. At ayoko naman na kami lang ng future hubby ko ang happy that time. I want all our guests to enjoy the day din. But of course, lahat ng sinabi ko dito, dream ko lang naman. Only Papa God knows if it will all come true. *fingers crossed*
Future husband. Wala namang magkakatotoo sa lahat ng sinabi ko kung di ko makikilala ang future husband ko. Through the years, ilang beses nang nag-iba ang casting ng personal fairy tale ko. Unang napunan ang blank ng "Spouse" sa Dream Wedding form ko when I was 15. I don't need to tell kung ano ang pangalan na inilagay ko dun. Just do the Math and go down the memory lane. Siguro iisipin niyo, masyado pa kaming bata noon at malamang di naman seryoso yun. Whatever. Tapos biglang nag-back out yung then future husband ko. Ayun, napalitan ang male lead ng personal love story ko. Naging si Edward Cullen. #whatislame Lol! From then on, puro 'unreachables' na ang nailalagay ko dun sa spouse blank sa form ko. May Zac Efron, Ian Somerhalder, Ryan Gosling, Nico Salva, Neil Etheridge, etc. HAHAHA! Hindi naman sa naging frustrated ako sa pag-ibig at lalong hindi naman dahil hindi ako naka-get over kay first-future-husband-prospect. Hindi lang kasi talaga pang-long-term yung sumunod na dumating, if you know what I mean. And I know naman kasi na dadating din si Prince Charming in God's perfect time. Hindi naman kailangang madaliin yan. I'm willing to wait. (Wala naman akong choice. Joke! Ha ha!)
So, sino nga ba ang dream future husband ko? Wala akong maibibigay na name sa ngayon. Kung ipapa-describe niyo naman siya sa akin, hindi naman ako nagse-set ng standards pagdating sa bagay na yan. Kahit naman kasi mag-set ka at hindi na-reach ng isang guy yun pero may spark sa inyong dalawa, you can make it work. That's love. Pero sige, bilang MIA pa naman si future husband at the moment, mag-state ako ng characteristics ng ideal guy ko. Dun muna tayo sa lame ones, physical attributes. Dalawa lang yan - mas matangkad sa akin at mas maputi ako. I told you, ang lame! Ang weird lang! And then, I want someone who can put up with my quirks. Someone who will try to understand me even in my most unpredictable moments (believe me when I say na sobrang dalas nun, me being a Piscean and all). Gusto ko yung may drive para mag-succeed. Someone honest, loyal and faithful. And dahil family girl ako, gusto ko kasundo ng family ko. I want someone who'll accept me for who I am. And so on and so for. Pero sabi ko nga, kahit hindi masunod ang dream guy/girl standards mo, basta mahal mo, okay lang. Basta for me, kahit na hindi matupad lahat ng details ng dream wedding ko, basta kasama ko lang yung guy whom I will promise to love forever, okay na. Dream come true na. It's not the wedding naman that is important. Yung marriage. How you two will make it work. How you'll make it prosper. That's the top priority.
I dunno why I'm blogging about this. Sabi ko nga, wala pa akong planong magpakasal. Gusto kong magsuot ng wedding gown pero hindi pa ngayon. Ayoko pang manghuli ng white doves (uso pa ba yun?). Gusto kong mag-cake cutting at kumain ng cake pero hindi sa sarili kong wedding. Na-testing ko na din sa ilang daang scratch papers kung bagay ba yung Mrs. Shayne Etheridge or Mrs. Shayne Somerhalder at nalaman kong bagay naman (SABEEEEEEH!!!) pero wala pa talaga akong balak magpalit ng apelyido for now. Sa madaling salita, bukod sa wala pa naman akong husband prospect, hindi pa po ako ready. Maraming instance na na nagkamali ako sa pagdedesisyon, pero pagdating sa bagay na yan, ayokong magkamali. Sabi nga sa movie nila Judy Ann at Ryan Agoncillo, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na bagong luto na pwede mong iluwa kapag napaso ka. Hindi yan something na pwede mong bitawan kapag nagsawa ka na. Pag dumating yung time na may nagtanong sa akin ng "Will you marry me?", gusto ko sigurado ako 'cause I want that moment to be magical (kahit gaano pa kasimple yun). I want saying "I do" in front of God and all the people I love to be a part of my "Best Decisions I've Made" list. ☺

2 feedback:
awwwww ang cute naman ng blog na to nakarelate ako dahil sa wedding industry ako nag work ngayon eh :))
awwww ang sweet naman ng blog na to naka relate ako since I'm working in the wedding industry :)
Post a Comment